What’s for dinner? Top 5 go-to food/restaurants ni Juan sa Singapore

Sa mga Juan na mahilig kumain, i-share ko ang aming mga go-to places na kainan tuwing hapunan. Ito ang mga no-brainer na kainan na pinupuntahan namin tuwing hindi kami nakakapagluto sa bahay dahil sa mahabang araw sa trabaho at sabihan nalang natin na dahil na rin sa katamaran. Siguradong isa sa mga ito ay nasa loob ng tiyan ni Juan isang gabi sa isang linggo. 

Ano ba ang palaging hapunan ni Juan?

1. Guzman y Gomez. Tinatawag naming itong G&G na isang kilalang Mexican food chain sa Singapore. Ito ang kalimitang kinakain namin tuwing Lunes dahil sa libreng brown rice nila sa araw na ito. Maraming pagkaing pagpipilian ngunit ang Classic Burrito at Burrito Bowl lang ang aming paulit-ulit na ino-order. Dapat chicken, maanghang at brown rice ang palagi naming order kasama ang isang regular na fries at isang lata ng sprite. Dalawang pickled jalapeño, dalawang smoky chipotle salsa (medium) at isang habanero salsa (hot) ang bubuo sa aming isang set na pagkain sa halagang SGD 27.9. 

Kung burrito lang din naman ang paguusapan, naging regular na pagkain din naming ang chicken burrito ng Stuff’d. Standard base na mayroong Jabanero sause, brown rice, black beans, mashed potato dapat walang corn at cuscus ang palagi namin ino-order.

2. Pra-ta Alley. Dati’y pa-ayaw ayaw pa ako sa Indian food dahil sa hindi magandang experience dito nung nasa Qatar pa ako pero ngayon ay ayos na dahil sa nasanay narin. Sa lugar na ito ay nakilala na rin kami ng mga staff at alam na alam na rin ang mga pagkaing palagi naming ino-order sa tuwing kami ay dadalaw rito. Chicken tikka, chana masala, dhal, biryani rice, garlic nan, papadum at ang paborito naming lime juice ang laging nasa aming resibo. Ang aming bill ay less than SGD 40.0 lamang tuwing kumakain kami sa Indian restaurant na ito na matatagpuan sa unang palapag ng 321 Clementi Avenue 3. (update: lumipat ng lokasyon ang restaurant sa 321 Alexandria Road #01-07 Singapore)

Chicken Tikka

3. Mala sa Clementi. Palagi naming babalikan ang lugar na ito na nagluluto ng isa sa mga pinakamasarap na Mala sa aming panlasa. Brocolli, lettuce, lotus, mushrooms, noodles, beans sprout at isang bowl ng kanin sa halagang SGD 18.0 ay kasya na sa dalawang tao. Meron din silang Spicy Fish at Spicy Chicken na maihahambing ang lasa sa mga pagkain ng mamahaling restaurant gaya ng mga paborito naming lugar sa may Chinatown.

Spicy Fish
Spicy Chicken
Ma-la
Spicy Beans

4. Umi Nami sa Holland Village. Dito naman kami pumupunta para sa pinakamura na sigurong mga sushi at sashimi sa buong Singapore. Masasarap na rice bowls sa halagang SGD 15.0-21.0 at sashimi ang patok sa lugar na ito. Hindi ipagpapalit ni Juan ang mga pagkain dito kung ihahambing sa ibang mga Japanese restaurants at bonus nalang talaga ang mas abo’t kayang halaga ng mga pagkain dito. Ilan sa mga palaging kinakain ni Juan dito ay ang kanilang Aburi Salmon Don at ang Curry rice.  Sila rin ay pinanggagalingan ng mga sashimi na dini-distribute sa iba’t ibang bahagi ng Singapore kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit mura ito dito.

Dahil na rin siguro sa hilig naming kumain ng mga pagkaing Hapon kaya naman ilalagay ko na rin dito sa listahan ang Rollie Ollie. Seoul Surfer, Pacific Sunset, Caterpillar set (5pcs of Fried Chicken Karaage and Iced lemon tea, Fresh Lemonade and Fried Shrimp ang palaging kinukuha namin sa halagang SGD 50.49, mayroon silang 10% discount kapag pi-nik-up mo ito.

Aburi Salmon Don
Curry rice sa Hollad Village
Sushi rolls sa Rollie Ollie
Seoul surfer

5. Kith Cafe. Dahil mahilig kami sa salad, ito na siguro ang perpektong lugar para sa amin. Sa halagang SGD 15.95 ay nakakakain kami ng masarap na salad tuwing hindi kami nakakapaggawa nito sa bahay. Pinakamasarap ang Ravioli sa lahat ng pasta na mapagpipilian sa halagang SGD17.95. Palatable din ang kanilang mga 9” thin crust pizza sa halagang SGD 11.95-15.95 at marami rin silang dessert na pagpipilian gaya ng Tiramisu sa halagang SGD 9.95 at mara pang iba. Idadagdag mo pa pala ang GST (tax) at service charge sa bill bago ka umalis. Maaring gamitin ang kanilang lugar para sa mga pambata, pampamilya at corporate events.

Paraiso ng pagkain

Dahil ang Singapore ay isang paraiso ng mga samu’t saring pagkain internasyonal, kalimitang ang mga pagkain namin sa hapunan ay depende talaga sa kung anong maisip naming kainin. Mayroon kaming mga partikular na lugar kung saan gusto lang naming kumain at doon kami paulit-ulit na kumakain dahin alam na naming ang lasa na ibig namin. 

Halimbawang maisipan namin ng Vietnamese food, otomatiko na sa So Pho sa Clementi kami pumupunta, kapag gusto ng pagkaing Thai ay sa Jiai Thai na nasa Purvis Street kami pupunta, Japanese curry, iba’t ibang sushi at Taiwanese food sa may StarMall Buona Vista, Ramen, Spanish at Turkish food naman sa Tanjong Pagar. On top of this, palaging may Tiger beer na panulak sa tiyan kaya naman mula 62kg ay naging 72kg na ang timbang ni Juan. 

Potato mentai
Beef ramen
Iba't ibang sushi
Jai Thai

Are you Juan of us?

Isa ka rin ba sa gaya namin na palaging kumakain sa labas tuwing hapunan? Magastos ano? Well, mas maganda parin talaga ang lutong bahay dahil mas makakasigurado ka na mas “masarap”, malinis, mas masustansya ang pagkaing iyong ihahain at siguradong mas makakatipid ka. 

Alin sa mga ito ang natikman mo na at alin sa mga ito ang nais mong matikman. Comment mo na iyan sa box sa ilalim.

4 thoughts on “What’s for dinner? Top 5 go-to food/restaurants ni Juan sa Singapore”

  1. Hmm is anyone else having problems with the images on this blog loading?
    I’m trying to figure out if its a problem on my end or if it’s the
    blog. Any feed-back would be greatly appreciated.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *