Updated ba ang mga Juan pagdating sa mga latest advancements, gaya ng OpenAI’s ChatGPT, Apple’s Vision Pro, at Threads? Sa nakaraang mga buwan ay naglipana ang iba’t ibang platform kung saan nasasaksihan natin ang papabilis na papabilis na pag-usbong ng makabagong teknolohiya at kakumpitensya ng mga apps na makakatulong sa pagpapadali at pagpapalawak patungo sa modernisasyon ng ating pamumuhay. Sa artikulong ito, talakayin natin ang ang iba’t ibang teknolohiya na unti-unting magpapabago ng ating hinaharap. Una na rito ay ang kontrobersyal na ChatGPT. Ano nga aba ito?
“Our mission is to ensure that artificial general intelligence—AI systems that are generally smarter than humans—benefits all of humanity.” Ika-30 ng Nobyembre 2022 nang inilabas ng Open AI ang ChatGPT, isang computer generated program na may kakayahang sumagot sa mga katanungan na para bang nakikipagusap sa isang tao ang mga gumagamit nito. May kakayahan itong gumawa ng makatotohanang artikulo, magbigay ng mga suhestyon, sumagot sa mga katanugnan na base sa mga datos na inilagay dito. Pagsulat ng sanaysay, tula, at kanta ay kayang-kaya nitong gawin sa loob ng isang minuto. Inaamin rin nito ang mga posibleng kamalian sa kanyang mga sagot at pinagbabawal nito ang pagsagot sa mga hindi naaangkop na salita.
Nagtaya ito ng record sa pinaka mabilis na application growth noong January 2023 nang magkaroon ito ng estimated 100 million active users, dalawang buwan mula ng una itong lumabas. Ang Tiktok, isang popular na mobile application, ay nagkaroon ng 100 million users sa loob ng siyam na buwan habang ang Instagram naman ay umabaot ng dawala at kalahating taon para magkaroon ng kaparehang gumagamit ayon sa isang pagaaral.
JUAN-A TRY IT
Nagsulat ako ng mga katanungan upang masubukan ang kakayahan ng ChatGPT at narito ang ilan sa kanila.
1. Anong pangalan mo?
2. Gawan mo ako ng tula para sa aking asawa para sa araw ng mga puso.
3. Ano ang masasabi mo patungkol sa Global Warming?
Impormasyon hanggang Setyembre 2021 ang laman nito sa unang araw mula ng ito’y inilunsad, ngunit patuloy itong nagbabago sa pamamagitan ng mga regular na update na ipinasok dito. Ang libreng bersyon na GPT-3.5 ay maaaring magbigay ng mahalagang kaalaman sa mga gumagamit nito. February 1, 2023 nang inilibas ng OpenAi ang ChatGPTPlus, isang subscription-based plan sa halagang $20/month.
MAY PA-INTERVIEW SI JUAN
Magkahalo naman ang reaksyon ng aking mga kaibigan patungkol sa paggamit ng ChatGPT at nariito ang ilan sa kanilang mga opinyon.
Sa paggamit nito: “Main thing is mapapadali yung mga gusto mong mga gawin like kung gusto mong mag start ng business, advertisements would be easier…ChatGPt ay makakapagbigay ng idea. Binabawasan nya na yung time mo para magisip ng details na kailangan mo at the same time nag-susuggest rin ng mas magandang input na maaring di mo maiisip kasi kung sa sarili mo lang. Valid naman yun (idea) na gusto mo pero may input na galing sa ChatGPT na pwede mo paring idagdag.”
Patungkol sa posibleng pagkawala ng mga trabaho: “Halimbawang mawalan ng trabaho ang iba, e mag-gegenerate din naman ito ng ibang trabaho diba? Marami ang magkakaroon ng trabaho like yung mga programmers, IT, (at anything related sa ) computer . Kaso mas marami ang maapektuhan, I mean mga hindi nakapagaral, mas low end. Mas maapektuhan yung mga nasa laylayan (‘ika nga ni Leni).”
Sa mga estudyanteng gumagamit nito: “Even before, meron din naman tayong research at gumamit din tayo ng google pero di naman lahat ng sinasabi ni google e totoo. My point is, nanjan ang ChatGPT para tumulong hindi lahat ng ibibigay ng ChatGPT is akma sa kailangan mo. Wag i-asa lahat.”
Dapat ba lahat tayo ay matutong gumamit ng AI generated apps like ChatGPT? “Sa tingin ko oo, dahil yun na ang future diba? Let’s say 1980, kailangan ba nating gumamit ng internet? Kung hindi e wala ako ngayon, na stuck nalang ako sa pre-internet era. Hindi mo man master na master basta may alam ka lang at least.”
Anong masasabi ni Juan?
As per Juan, anumang bagong teknolohiya mayroon itong kaakibat na maganda at hindi magandang impact sa ating pamumuhay. Sa kaso ng ChatGPT, maaari itong maging dahilan sa pagbaba ng interes ng mga kabataan para sa mas malalim na pag-aaral ng wika at mga sulatin. O maaring makakatulong ito para mapabilis ang pang-unawa dahil sa modelo na ibinabahagi nito.
Walang masama sa paggamit ng mga ganitong klaseng teknolohiya dahil pasasaan pa ay doon rin ang ating tungo. Ang hinaharap palaging patungo sa advancement, o paggawa ng mga bagay-bagay na makakatulong sa atin upang mas mapadali ang ating pamumuhay. Kung dati’y snail mail o traditional mail ang gamit upang ipadala ang mga mensahe sa mga tumatanggap nito, ngayon ay kapanahunan na ng email. Mahalaga na marunong sumabay si Juan sa mga ito para narin sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman. Ika nga ni ka-Ernie, “knowledge is power”. Hindi dapat tumitigil ang curiosity natin na matuto sa araw araw.
Para man sa ikakabuti o ikasasama ang mamaging impluwensya nito, tangging ang hinaharap lang ang makakapagsabi. Nanrito na tayo sa panahon na dati ay napapanuod lamang natin sa telebisyon at pelikula. Magpapahuli ka ba o susuungin ang landas patunggol sa hinaharap? As per Juan… magdodownload ako, at aaraling mabuti kung paano gamitin ChatGPT!
Alamin pa ang karagdagang impormasyon tunggkol sa ChatGPT sa kanilang opisyal na website sa https://openai.com/.
Good read! Agree ako na di lahat dapat iasa sa AI ito’y gabay lamang.