Curious ka ba kung anong nasa meron paligid ng The Pinnacle@Duxton? Bilang isang residente rito, si Juan ay mayroon leisure para ma-experience ang mga bagay na may kinalaman rito kaya hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang mga ito.
Ano ba ang The Pinnacle@Duxton?
Matatagpuan sa Tanjong Pagar, ito ay ang pinakamataas at pinakamahal na HDB o pampublikong tirahan sa Singapore at maging sa buong mundo. Binubuo ito ng pitong blocks (1A hanggang 1G) na magkakauugnay sa pamamagitan ng sky garden/bridge sa ika-26 at ika-50 palapag na pinakamahaba sa buong mundo sa sukat na 500 metro. Ang sky garden ay mayroong jogging tracks, palaruan, pahingahan at mga viewing areas kung saan matatanaw ang kagandahan ng Singapore. Environmental deck, basketball court, daycare centre, parking space, car wash area at mga kainan ay ilan pa sa mga bagay na mayroon rito. Ang mga apartment units dito ay mahahalintulad sa mga nagagadahang condominiums na mayroong apat na kwarto at dalawang banyo (walang bidet!). Gayunpaman, walang mga swimming pools at gym dito.
Anong bang meron rito at sa paligid nito?
1. Skyscraper/skygarden. Ang ika-26 na palapag ay accessible lamang sa mga naninirahan dito samantalang bukas sa publiko ang ika-50 palapag mula alas nuebe ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi. Kinakailangang magpunta sa unang palapag ng Blk 1G at hanapin ang Managing Agent’s office (sa tapat ng lift lobby) ang mga nais umaakyat dito at magbayad sa halagang SGD 6. Hindi pinapayagan ang pagdadala ng pagkain, inumin at mga alagang hayop dito. Maaaring gamitin ang access card sa kahit anong building kung papasok at lalabas dito.
2. Essen at The Pinnacle. Bukas mula alas onse ng umaga hanggang alas diyes y medya ng gabi. Mahahalintulad ito sa mga beer gardens sa Germany dahil iba’t ibang kainan at inumin sa abo’t kayang halaga. May mga komportableng upuan sa loob at labas nito kaya naman makakakapag-chill kang talaga kasama ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Maraming pagkaing mapagpipilian rito mula Italian, Vietnamese, Indian, Chinese, Western at Thai.
Presyo ng mga pagkain at inumin dito:
- La Stalla: 12″ Pizza sa SGD 15.0-19.0
- Saigon Quan: Pho SGD 11.6-16.8
- Papadum: Chicken Biryani SGD 10.0
- Little Tea House: Dumplings SGD 4.8-7.0
- Grill Lab Burger Buddies: Burger SGD 14.0- 16.0
- The Thai Stall: Green Curry SGD 10.0-12.0
- Beer: Pint SGD13-15, Jug SGD28-30,3L Tower SGD 68-70
- Cold drinks: SGD 2.5-4.0
- Coffee and Tea: SGD 2.5-4.0
3. Duxton Plain Park. Nakakita ka na ba ng mga manok na umiikot sa parke? Marami dito nyan dahil pinangangalagaan ang mga ito ng National Parks Board (NParks). Mayroon din mga arts installation sa paligid, mga palaruan at exercising areas na magandang lugar sa mga mahilig maglakad at magmuni-muni sa gabi. Nasa kahabaan rin nito ang isang sikat na kainan ng durian na dinarayo ng marami, ang 99 Old Trees Durian. Ang presyo ay mula sa halagang SGD 6.3 hanggang SGD 168.0. Makakarating ka rin sa Chinatown sa loob ng sampung minuto kung babaybayin ang rutang ito.
4. Mga makukulay na tirahan at shophouses. Malapit din sa lugar na ito ang mga naggagandahang tirahan na matatagpuan sa kahabaan ng Everton Road at Blair Road. Maaring subukan ang isang confectionary shop na talagang nagustuhan namin, ang Dough-a-Dear Cafe o subukan ang Kith Café Spottiswoode kung saan makakakain ng masarap na salad sa halagang SGD 15.95 o subukan ang Kubo Sa Boundary, isang kainang Pinoy kung saan mapapasabak ang iyong galing sa pagkanta dahil sa kanilang Karaoke bar. Bukod sa mga ito ay napakarami ring maliliit na kainan sa Kampong Bahru Road na katapat lamang ng mga naglalakihan ospital sa Singapore gaya ng SGH, National Heart centre, Blood bank at iba pa. Mayroon ding mangilan-ngilang street arts sa mga pader ng mga building sa lugar na ito at isang daanan patungo sa Green Corridor (lugar kung saan makakapag bisikleta mula siyudad hangang Woodlands).
5. Mga bars at restaurants. Sa kabilang bahagi naman sa kahabaan ng Neil Street ay ang iba’t ibang establishimento kung saan makakatagpo ka ng sandamakmak sa kapehan, cakes at gelato shops gaya ng FiftyFive Coffee Bar, Fieldnotes Cakery at Apiary na magandang tambayan kasama ang mga barkada. O kaya naman ay sa Keong Saik Road para subukan ang mga masasarap na kainan tulad ng Kafe Utu, isang African restaurant at Lime House Jiak Chuan, isang Carribean restaurant. Sa gabi naman nagbubukas ang iba’t ibang bars gaya ng Tantric, Neil Conversion Clinic, Miss K, Ebar 18, Epythyte at iba pa. Medyo mahal sa mga lugar na ito kaya maging handa sa iyong bill.
6. Mas maraming pang kainan sa Duxton Road, Craig Road at Tanjong Pagar Road. Kung mahilig ka naman sa mga pagkaing Koryano, Hapon at mga Fusion, di ka magsasawang bumalik dito dahil sa sandamukal ng kainan. Pinipilahan ang mga kainan sa lugar na ito dahil sa dami ng tao na nagtatrabaho sa kalapit na business district at mga hotel sa paligid.
7. Istasyon ng tren. Napaka sentro ng lugar at napapalibutan ng hindi lang isa kundi tatlong istayon ng tren. Kung papuntang East-West (Changi-Tuas/Pasir Ris), mas pinipili ko ang ruta papuntang Tanjong Pagar Station dahil sa mas scenic na daan. Outram Park Station kung Purple-line papuntang North-East (Punggol-Harbour Front) habang ang pinakabagong Brown-line naman papuntang Orchard (Woodlands-Marina Bay).
8. Iba’t ibang establishimento para sa pang araw-araw na pangangailangan. Mayroong dalawang Fairprice (sikat na groseriya) na malapit dito, Cold Storage (sa mga medyo high-end na item), Don Don Donki (isang Japanese shop), isang wet market na bukas mula umaga hangang alas otso ng gabi, bakeries, mga maliliit na pamilihan ng mga murang bagay, mga gyms at napalilibutan rin ng maraming klinik.
Sa kasalukuyan, ang renta sa mga apartment rito ay nagkakahalaga mula SGD 4000 hanggang 6000 (mula SGD 1200 hanggang 3000 naman sa isang kwarto), depende parin sa lokasyon nito.
May gustong sabihin si Juan…
Magandang lugar ito para tirahan sa magandang halaga, medyo mahal nga pero sulit dahil sa kaginhawaang maibibigay nito. Ngunit hindi na namin kayang manirahan dito, masyadong mahal na sa Singapore para sa amin. Ang patuloy na pagtaas ng upa sa lahat ng dako, kung minsan ay mula 60 hanggang 80 porsyento. Ito na ang aming huling apartment sa Singapore, kung saan maraming di malilimutang pangyayari ang naganap habang kami’y narito, at karamihan sa mga ito ay nagbukas ng bagong yugto sa aming buhay. Sa lugar na ito, na-realize namin na hindi na para sa amin ang Singapore, at tinanggap na namin ang katotohanan na ito na ang dulo, kailangan na naming lumipat at magsimulang mabuhay sa ibang bansa na aming tatawaging bagong tahanan.
Excited na si Juan sa bagong yugto ng kanyang buhay!
Good read. Been wondering how it feels living in the CBD area. Looking forward to more articles from you!
চমৎকার বিবরন করেছেন আপনার বাসস্থান এবং আঁশে পাশের জায়গা সম্পর্কে।ধন্যবাদ