Mga techy-Juan! Nabalitaan mo na ba ang pinakabagong nauuso sa mundo ng teknolohiya?
Inilunsad ng Meta, ang kumpanya sa likod ng Facebook, Instagram at WhatsApp, ay naglabas ang pinaka bago nitong application na magiging karibal ng Twitter (X), ito ay tinatawag na ‘Threads.’
Kung ikaw ay isang tagahanga ng social media, malamang na naalala mo ang ingay noong nakaraang taon tungkol sa Twitter na binili ni Elon Musk sa halagang $44 bilyon USD, kasama ang pahayag na pagkakaroon ng mga pagbabago sa mga polisiya at patakaran nito. Ilan sa mga ito ay ang pagtatanggal ng mga tuntunin at mga tagapamagitan sa mga ipinopost, na magbibigay pahintulot upang mas malayang maipahayag ng mga gumagamit nito ang anumang bagay na naisin nila.
Tinanggal din nila ang pagbabawal sa ilang kontrobersiyal na mga personalidad dahil sa mga isyung kinasasangkutan nila, at inilunsad pagbabayad ng subscription fee sa halagang $8 kada buwan para sa isang blue tick bilang patunay ng pagiging lehitimo ng isang account at sa ibabaw nito, ang paglilimita ng bilang ng tweets na maaring ibahagi sa isang araw.
Ang mga anunsyong ito ay nagdulot ng pagkadismaya sa mga gumagamit nito at nagdala sa paghahanap ng mga alternatibong plataporma gaya ng Reddit at Blusky.
Hulyo 6, 2023 ng inanunsyo ni Mark Zuckerberg, ang Founder/CEO ng Meta, ang paglulunsad ng Threads, isang social networking application na handang makipagsabayan sa Twitter. Ibinahagi niya ang nakaka-excite na balita sa Facebook na may caption, ‘Tara, gawin natin ito. Maligayang pagdating sa Threads. 🔥’ Ibinahagi niya ang pinakabagong application na naglalayong sundan ang yapak ng Twitter na maging isang platform kung saan malayang maibabahagi ng mga gumagamit nito ang anumang bagay na nais nilang sabihin na ayon sa kasalukuyang oras. Sinasabing ito na marahil ang tunay na kompetisyon na maaaring maging dahilan upang tuluyang pagkalugmok ng Twitter.
Sinimulan ng Instagram ang pag develop ng Threads noong Enero 2023 (Project 92 “P92”), ito ay mula sa inisyal na plano nito na gumawa ng isang hiwalay na app na kahalintulad ng Twitter. Napag-alamang kumausap ito ng mga kilalang personalidad na nakatuong sumuporta sa nalalapit na paglulunsad nito.
Ano nga ba ito?
Ang layunin ng Threads ay maging isang plataporma kung saan ang mga gumagamit ay malayang makakapagbahagi ng kanilang mga opinyon, ideya, interes, at mga iniisip sa kasalukuyang sandali. Maaring mag-post ng hanggang 500 na karakter ng teksto, mga link, mga larawan, at mga video na may habang limang minuto. Katulad ng Instagram at Twitter, ang gumagamit nito ay may opsyon na pumili ng mga kaibigan o personalidad na nais nilang sundan para sa mga update tungkol sa anumang bagay na ibinabahagi nila sa plataporma.
Ayon sa tagapanguna ng Instagram na si Adam Mosseri, nagkaroon ang Threads ng 100 milyong mga gumagamit sa loob lamang ng limang araw, higit na mas mabilis sa rekord na nakuha ng ChatGPT kung saan nagkaroon ng 100 milyong aktibong gumagamit sa loob ng dalawang buwan.
Madali lang ang pag-set up ng isang Threads account dahil maaring i-link ito sa iyong umiiral na Instagram account, na awtomatikong ipapakita sa iyo ang mga kaibigan, personalidad, at mga pahina na kasalukuyang sinusundan mo sa Instagram, pati na rin ang mga sumusunod sa iyong account. Gayunpaman, isang bagay na dapat tandaan ay na ang pagtanggal ng iyong Threads account ay nangangahulugan din ng pagtanggal ng iyong Instagram account.
Ano nga kaya ang naghihintay para sa Threads? Susundan ba nito o lalampasan ang mga yapak ng Twitter,o ito ba’y mapupunta rin sa estadong kinalalagyan ngayon ng Twitter? Tanging ang oras ang makakasagot sa mga darating na taon.
Anong masasabi ni Juan?
Dahil sa mga malalaking pagbabago na nagaganap sa Twitter, hindi nakapagtataka na bagong mga social media app ang lumilitaw, kung saan tayo ay malayang makakapagpahayag.
Maaaring ang pag kadismaya ng mga tao kay Elon Musk ang isa sa mga dahilan upang mas tangkilikin si Mark Zuckerberg at tumigil sa paggamit ng Twitter o baka sadyang gayon na lamang ang ating pagnanais na mag-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya kaya naman tayo ay nahuhumaliw sa ganitong mga app.
Naging kapaki-pakinabang nga ba kay Juan ang noo’y Twitter? Kaisa ka ba sa mga patuloy na tumatangkilik dito o isa sa mga nais gumamit ng pinakabagong social media app na Threads? Ano ang pananaw nga mga tech-savvy na Juan dito?
*Noong Hunyo 23, 2023 pinalitan ni Elon Musk ang Twitter at tinawag na X.
Yeah true. Madaming disappointed kay elon musk kaya madami din talagang tatangkilik sa threads kahit n may twitter sila. Thanks for sharing ideas