So, from Juan’s go-to food/restaurants in Singapore, punta naman tayo sa go-to drinking places to chill and relax dito sa Singapore. Yes, umininom na si Juan at isa pang yes, para ito sa mga manginginom out there!
Bali nabanggit ko rin ang lugar na ito sa isang artikulo na aking isinulat patungkol sa The Pinnacle@Duxton sa link na ito. Isang “atas” (Singlish word sa mga tao o lugar na may mataas na estado o panlasa) na food court dahil sa modernong disenyo nito na kahawig sa mga beer garden ng Alemanya, ang Essen ay matatgpuan sa The Pinnacle@Duxton sa Tanjong Pagar (1 Cantonment Rd #01—1, 080001). Nangunguna ito sa listahan ni Juan dahil nasa ibaba lamang ito ng aming tahanan kaya naman madali itong puntahan. Bagamat ito ay nasa sentro ng mga naglalakihang gusali, hindi mo ito ramdam dahil sa magandang lokasyon nito. Ito ay nasa kahabaan ng isang parke kung saan walang maiingay na sasakyan na dumaraan, walang maraming tao na nagmamadaling maglakad sa paligid at talagang tahimik na kapaligiran.
Airconditioned ang loob nito na mayroong mga upuan sa mapa-maliit o malakihang grupo. Mayroon ding mga upuan sa labas para sa mga mas nais ay natural na bentilasyon at partikular na lugar para sa mga naninigarilyo. Mas pinipili namin na umupo sa labas dahil sa mas maginhawang pakiramdam lalo pa’t tuwing maganda ang panahon kung saan hindi umuulan o sobrang init.
Narito ang presyo sa kanilang mga inumin:
- Coffee: hot- SGD 2.5 to 3.5 / cold – SGD 3.5 to 4.0
- Tea: SGD 2.5
- Cold drinks: SGD 2.5 to 4.0
- Bottled beer: SGD 10.0/bottle at SGD 48.0/bucket of 6
- Cider/Fruit beer: SGD 23.0 to 19.0/bottle
- Craft beer: SGD 14.0 to 19.0
- Beer on tap: Full Pint SGD 14 to 14.0 / Jug SGD 28 to 30 / 3L Tower SGD: 68.0 to 70.0
Tumatanggap din sila ng mga reservation sa mga nais gumamit ng lugar para sa mga party o business events. Sa katunayan isa ang lugar na ito kung saan inimbita ko ang mga malalapit na kaibigan upang ipagdiwang ang aking kaarawan. Maliban sa mga inumin may iba’t iba ring kainan sa loob nito kung saan makaka-order ka ng mga pagkain mula Italian, Vietnamese, Indian, Chinese, Western at Thai na mabibili sa abot kayang halaga.
Kung mahilig ka naman sa lugar na may tugtugin, isa ito sa pinaka-magandang puntahan. Matatagpuan sa Mosque Street-South Bridge Road ng Chinatown (210 South Bridge Road, 058759) ang bar na ito kung saan maeenjoy mo ang gabi kasama ang barkada. May live-band araw-araw mula 7pm hanggang 11pm ng gabi na may magagaling na bokalista mula sa Pinas at music na mapapasabay ka talaga sa pagkanta.
Marami ring dayuhan na pumupunta dito dahil sa magandang ambiance nito kung saan naka-display ang iba’t ibang alak na kanilang ipinagbibili. May mga upuan para sa malalaking grupo sa loob at may maliliit na table din na nakapalibot sa loob at labas nito. Mababait ang mga staff, isa na nga sa kanila ang aking kaibigang si Hazel na isa rin sa mga mangaawit dito.
At kung mga inumin din lamang ang pag-uusapan, isa na siguro ang lugar na ito sa may mga pinakamurang alak sa Singapore kaya’t hindi nakapagtataka na ito’y pinupuntahan ng marami at pinagdadausan rin ng iba’t ibang party events. Hindi syempre pinalagpas ni Juan ang lugar na ito nang i-celebrate niya ang kanyang kaarawan noong 2018 kasama ang mga pinakamalalapit na kaibigan at mahal sa buhay. Sinigurado rin ng barkada na mapapakanta si Juan sa harap ng entablado noong araw na iyon.
Narito ang ilan sa kanilang inumin na palagi naming ino-order.
- Peroni Lager, Suntory the Premium Malts Pilsner: SGD 9.8/Pint and SGD 50.8 3L tower
- Archipelago Summer IPA: SGD 12.8
- Singha Lager SGD 6.8/bot and SGD 32.8/bucket of 6
Bukod sa mga ito ay marami pang ibang inumin mula highball, soju, cocktail, mocktails hanggang spirits and wines sa abot kayang halaga. Ikaw nalang ang magsasawa sa dami ng pagpipilian. Bukod sa mga inumin ay mayroon ding pagkain na makakain dito at kung sakaling hindi mo na talaga kayanin ang gabi dahil sa kalasingan ay maaari ka ring tumuloy sa kanilang hotel at magpalipas ng gabi.
Narito ang link sa kanilang food at drinks menu.
3. DOROTHY’S
Para naman sa mga ka-LGBTQIA+ natin diyan, isa ito sa mga pinakakilalang lugar na tambayan at inuman na matatagpuan sa Trengganu Street sa Chinatown. Madaling matagpuan ang lugar na ito dahil sa bahagharing flag na makikita sa patio nito na nasa ikalawang palapag ng gusali.
Bakit ba dapat puntahan ang lugar na ito? Walang bandang kumakanta o anumang gimik na meron sa lugar na ito ngunit ito ay isang ligtas na lugar para sa mga kasapi ng LGBTQIA+. May mahinang background music na tumutugtog sa kabuuan ng gabi kaya naman nagkakaintindian ng maayos ang mga naguusap dito. May mga upuan para sa isahan, pares o malalaking grupo. Kahit sino ay maaring pumunta sa lugar na ito at walang dress code na pinaiiral. Makakakilala ka ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa at makakausap patungkol sa maraming bagay na may kinalaman sa lipunan at iba’t ibang aspeto ng buhay. Mapainom ka man ay walang away at gulo na nagaganap dahil respeto sa bawat isa ang pinaiiral sa lugar na ito.
Bukas ang lugar na ito mula 6pm hanggang 1am araw-araw. Inire-rekomenda na magpa-reserve ang magpupunta dito lalo pa sa malakihang grupo tuwing weekends. Tumatanggap sila ng mga cash o card payment sa mga inumin at ine-encourage ni Juan na mag-tip sa mga mababait na staff dito.
4. HAWKER CENTER
Sa mga hindi naman pumupunta sa bars, nariyan din sa paligid ng HDB ang mga foodcourts kung saan maaaring uminom ang kahit na sino nang walang nang-aabala. Ang presyo ng beer dito ay di hamak na mas mura kaysa mga bars at mga restaurants. SGD 7.2 kada bote o kaya naman SGD 34/bucket of 5 ang kalimitang binebenta sa mga lugar na ito. Bagaman ito ay kinokunsiderang pampublikong inuman, hindi naman hinihikayat ang pagdadala ng mga alak galing sa mga pamilihan. Kalimitang may mga taga-silbi ng mga alak sa mga hawker centers kaya’t wag magtataka kung bakit may mga umiikut-ikot sa ganitong lugar. Maaaring uminom sa lugar na ito hanggang 10:30 ng gabi.
5. SA BAHAY
Walang ibang lugar na mas sasarap pang uminom kundi sa loob ng iyong sariling tahanan. Sayo ang buong lugar kaya naman walang magbabawal sayo kung anong gusto mong gawin. Inumin mo ang gusto mong inumin, maglasing kung gustong maglasing at kalaunay makakatulog ka rin ng walang iniisip na may maaabalang iba.
Sa tuwing may mga handaan sa bahay ni Juan ay hindi mawawala ang inuman kasama ang malalapit na kaibigan. Kanya-kanyang dala ng alak para hindi naman mabigat sa mag ho-host ng lugar. Hindi mawawala sa bahay ng mga lata ng Tiger beer na mas pinipili naming inumin. Si Edmond at si Jay naman ay Carlsberg o Heineken ang mga dala. Dahil sa mahilig mag-imbita si Juan sa bahay, alam na alam na ng kanyang mga kaibigan ang mga alak na ipinapainom sa kanila. Hindi mawawala ang gin and tonic o G&T, na mayroon konting gin, tonic water at lime na kung minsan ay meron pang mint. Paborito rin ng barkada ang aming Fruity Rum na pinaghalo-halong prutas galing sa refrigerator gaya ng blueberries, raspberries, pinya, saging, hinog na mangga, yogurt at rum. White wine? o red? O kaya naman ay prosecco. Tunay ngang mga manginginom lang kami!
Anong masasabi ni Juan?
Masama bang uminom ng alak? Sa aking pananaw, ay hindi. Pasensya nalang sa mga konserbatibo kong kakilala ngunit ito ay as per Juan lamang. Hindi ko papakialaman ang inyong pananaw o paniniwala at sana ay gayun din kayo sa akin. Hinihikayat ko ba kayong uminom katulad ko? Hindi po, at hindi ko na kailangang magpaliwanag kung bakit gusto kong uminom.
Maging responsible sa pag-inom mga Juan at wag magpadala sa tama ng alak. Hindi bawat isa ay kayang uminom ng limang lata ng Tiger beer sa isang upuan gaya ko. May kanya-kanya tayong limitasyon kung gaanong karaming alak lamang ang kaya mong inumin at ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo. Merong namumula kaagad kapag uminom ng isang lata ng alak gaya ni Jay pero matagal malasing at kayang makipagsabayan kay Edmond kahit umagahin pa hanggang makatulog nalang sa halamanan sa ibaba ng HDB (sigurado akong hindi ito maiintindihan ng mga nagbabasa ang reference na ito, tanging si Edmond lang).
Anyway, huwag hayaan na ikaw ay maging responsibilidad pa ng iba tuwing ikaw ay iinom. Kung ikaw ay takaw gulo kapag tinamaan ng alak ay wag ka nang pumunta sa mga matataong lugar, sa bahay ka nalang mag-inom. Kung mahilig ka namang lumabas ay hinay-hinay lang din sa paggastos, magtira ka rin para sa ibang bagay na mas importante. May mga tao na ginagawa nilang pampatulog ang alak at wag na tayong makialam sa kanila dahil sila yun. Ikaw na may komplikasyon sa kalusugan ay mag dahan-dahan rin naman para umabot pa ng sitenta sa iyong edad. Tandaan, ang buhay ay hindi lamang patungkol sa pag-iinom.
May mga nabubuong pagkakaibigan sa ganitong mga okasyon at meron din namang nasisira kalaunan. May mga nagiging mas matapang na magsabi ng kanilang mga saloobin kapag sila ay nakakainom kung saan ay may magandang kinahihinatnan paminsan-minsan at meron din namang tumatahimik nalang at naghihintay ng tamang pagkakataon para maka-sibat at sumuka sa palikuran. Sino ka man dito, alin ka man sa mga ito, Juan, paalala ingatan mo ang atay mo.